FANDOM



Sino si Vladimeir Gonzales?Edit

Si Vladimeir "Vlad" Bautista Gonzales ay isang magaling na manunulat ng mga maikling kwento, tula at mga sanaysay. Siya ay nagtuturo ng Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Ang mga akda niyang Intellectual Mass Starvation ay inilimbag na ng National Commission for Culture and the Arts' UBOD series at Dirty Pop Machines Vs. Academia Nuts ng Akdang-Bayan Collective. Nakatanggap siya ng Palanca Award sa kanyang likha na Lunes, Alas Diyes ng Umaga.


Mga BuodEdit

Press ENTEREdit

Sa loob ng computer lab, itinuturo ng guro ang iba’t ibang mga parte ng computer sa kanyang klase. Ngunit hindi nakikinig ang bida, isang estudyante, at sa halip ay tumingin-tingin na lamang sa kanyang paligid. Nakita niya ang ibang mga guro na masayang kinakalikot ang mga computer sa harap nila at may isang paulit-ulit na sinasabi ang ‘press enter’. Nagtaas ang bida ng kamay at nagtanong sa kanyang guro kung ano ang mangyayari kapag pinindot ang enter ngunit sa halip na bigyan ng maayos na paliwanag ay kinagalitan lamang siya nito.

“Quiet! Sasabog ang mga computer! Bawal magsalita! Bawal pumindot ng kahit

ano! Bawal sumuway sa teacher! Bawal gumalaw! Bawal huminga! Bawal ang lahat

ng hindi sinasabi ng teacher!”, aniya ng teacher.

Sumunod naman ang karamihan at nanahimik na lamang ang lahat maliban sa bida at dahil sa “pagtatakang di pinaunlakan ng pagpapaliwanag”, ito ay “nag-apoy at kumalat” sa kanyang buong katawan, “naging galit ang pagtataka, naging poot” kaya naman pinindot niya ang enter. Sumabog ang lahat ng computer sa paligid niya, maging ang lahat ng tao, ang kanyang eskwelehan at lahat sa kanyang kapaligiran. “Nalunod” siya sa nadiskubreng kamalayan.


Pare, bakla si JudeEdit

Bakla daw si Jude, yung anak ni Erap at syota daw nito sa Dranreb, isang lalaking artista na nasa That’s Entertainment dati: ito ang isa sa mga naalala ng bida na pinag-usapan nila ng kanyang kaklase noong 1st year high school pa sila. Naalala din niya ang pang-iinis ng kanyang kaklase sa kanya at sa iba pa nilang mga kaklase. Ngunit matagal na silang hindi nagkikita ng kaklaseng ito hanggang sa pagdating ng araw ng pagsasalubong nila sa SM at pagpapalitan ng numero ng cellphone. Dito nagsimula ang kamustahan at kwentuhan ng nakaraan: “kung anu-ano at kung sinusino, ng mga dating kaklaseng nasa Amerika na, mga dating kaklaseng nabuntis, mga dating kaklaseng nag-asawa, mga dating kaklaseng matatapos na sa kolehiyo.” Nalaman ng bida na may girlfriend na ang kanyang kaklase at ito’y si Elsie. Gusto sanang i-text ng bida na “oo, si Elsie, yung tinatawag mong palaka dati? Yung inaasar mo kasama nina Jude, Jepoy, Trina, kasama ko?” ngunit hindi na niya itinuloy at sa halip ay “nasa TV si Dranreb, yung adik dati, di ba syota niya si Jude, yung bakla dati?” ang nasabi. Hindi na nag-reply ang kanyang kaklase, hindi na rin niya ito nakita simula noon.


Mahal na Pasyon ni Remington na NagbibinataEdit

Sa unang eksena, nagbuburat ang mga magpipinsan na sina Joey, ang magkapatid na Michael at Angelo, at ang magkapatid na Rex at Remington, ngunit hirap na hirap si Remington dahil sa hapdi nito. Naisipan nilang maglaro na lamang ng basketbol ngunit hindi nakasali si Remington at nanood na lamang sa isang tabi.

Sa pangalawang eksena, nangunguha ng mga prutas ang magpipinsan at biglang nakita ni Rex ang isang maliit na butas sa pader paputa sa compound ni Mr.Lopez na taniman ng iba’t ibang punong namumunga. Pinilit ng magpipinsan si Remington na sumuot sa butas ngunit ayaw nito, pero matapos ang pang-aasar sa kanya na duwag at lampa, napapayag din ang bata. Ngunit pagkapasok ni Remington sa compound, natuklasan niyang iniwan na pala siya ng kanyang kapatid at mga pinsan.

Sa ikatlong eksena, nagsasalsal sa kwarto ang mga magpipinsan nang biglang pumasok ang bagong tuli na si Remington, ngunit sa huli ay lumabas din ito pagkatapos asarin ang pagiging bagong tuli niya. Naisipan niyang sa may bakuran na lamang magpunta at habang nandito, nakita niya ang isang puno ng saging na nagpaala-ala sa kanya ng sinabi ng kanyang tatay at mga tito na “kapag bagong tuli raw ay kailangang itusok sa puno ng saging ang titi para tumibay.” Ginawa niya ito at “kasabay ng kanyang pagsigaw ang paghiyaw at pagtawa ng kanyang kapatid at mga pinsan sa loob ng kuwarto.”


Mga TauhanEdit

Press ENTEREdit

Narrator

Isang estudyante na naghahanap ng kasagutan at kapaliwanagan sa mga bagay na kanyang naoobserba. Unang Guro

Ang guro ng bida sa klase niya sa computer. Galit ang kanyang isinagot sa katanungan ng bida. Pangalawang guro

Sa kanya narinig ng bida ang paulit-ulit na ‘press enter’. Bagamat sinabi niya na sasabog ang mga computer, hindi niya binigyan ng maayos na paliwanag ang tanong ng bida at sa halip ay galit din ang isinagot niya dito.


Pare, bakla si JudeEdit

Narrator

Inaalala niya ang nakaraang kasama ang kanyang kaklaseng lalake. Hindi mawala sa kanyang isipan ang pagiging bakla ni Jude Estrada at ang relasyon nito kay Dranreb.

Kaklase

Kaklase ng narrator na maaaring naging matalik din nitong kaibigan.

Jude Estrada

Anak ni Erap Estrada na nagkarelasyon sa isang lalaking artista. Naging sentro ito ng usapan ng mga tauhan sa kwento.

Dranreb

Isang lalaking artista na nakarelasyon ni Jude Estrada

Jude, Jepoy, Trina

Mga naging kaklase ng narrator na inaasar ng kanyang kaibigan Elsie Isa sa mga inaasar ng kaibigan ng narrator na sa huli ay naging syota niya

Mahal na Pasyon ni Remington na NagbibinataEdit

Remington

Ang bida sa kwento na nagdadaan sa pagbibinata.

Rex

Kapatid ni Remington na sa halip tulungan ang kapatid ay nakikisama na lamang sa pang-aasar dito

Joey, Michael at Angelo

Mga pinsan ni Remington na nang-aasar sa kanya sa kwento


Mga Paksa at TemaEdit

Press ENTEREdit

Kamangmangan at ang pagbasag dito

Ipinapakita sa kwento ang pagbasag sa kainosentehan o kaya naman ay sa kamangkamangan ng isang tao. Dahil sa kanyang pag-oobserba, gagawa ng paraan ang tao upang masagot ang kanyang mga katanungan.

Maling edukasyon/kakulangan sa edukasyon

Ipinapakita sa kwento ang ‘miseducation’ sa kabataan at ang hindi wastong pagbibigay ng karampatang kasagutan upang matugunan ang pagiging mapagtanong ng kabataan. Dahil sa kakulangan ng tamang edukasyon o kaya naman ay maling paraan ng pagbibigay ng impormasyon, hindi naging handa ang bida sa kamalayang kanyang natamo.


Pare, bakla si JudeEdit

Homosekswal na relasyon

Pinakita sa kwento ang isang homosekswal na relasyon sa pagitan ni Jude Estrada at Dranreb. Maaaring may lihim na pagtingin din ang narrator sa kanyang kaibigang lalake.

Pang-aasar

Makikita sa kwento ang elemento ng pang-aasar na karaniwang naoobserba sa mga kabataan. Umiikot ang pang-aasar sa isyu ng sekswalidad, pisikal na kaanyuan at iba pang mga bagay na maaaring makitaan ng mali o pangit sa paningin ng lipunan o ng taong nang-aasar.

Kulturang Popular

Ginamit din ng may-akda ang kulturang popular bilang pangdagdag ng kwela sa kwento. “Nanonood ako ng palabas ni Korina Sanchez (na papalitan ng palabas ni Kris Aquino na papalitan ng palabas nina Boy Abunda at Kristine Bersola na papalitan ng Mexican Telenovela na papalitan ng Tsinovelang pinagbibidahan ng F4, yung Taiwanese na boyband)”


Mahal na Pasyon ni Remington na NagbibinataEdit

Pagbibinata

Pinapakita sa kwento ang karaniwang dinaranas ng isang lalakeng Pilipino na dumadaan sa transisyon ng mula pagiging bata papuntang pagiging binata. Makikita dito ang mga pang-aasar dahil sa pagiging supot ng isang lalaki at ang mga nakasakbit na pangmamalit, maging ang mga miskonsepyong katumbas ng pagbibinata tulad na lamang ng mga ‘dapat gawin’ pagkatapos tuliin.

Tuli

Makikita sa kwento ang popular na paniniwala na ang tuli ay isang tanda ng pag-alis sa estado ng pagiging bata at simula ng pagbibinata ng mga lalaking Pilipino.





Wikia ni John Dhaeyvid F. Laserna

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.