Wikia

Panpil19 Wiki

Rogelio R. Sikat

Usapan0
22pages on
this wiki


Rogelio R. SikatEdit

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.


Mga BuodEdit

Impeng NegroEdit

May isang binatang lalaki na nagtatrabaho para sa kanyang ina at mga kapatid, siya ay nagngangalang Impen. Siya ay kadalasang kinukutya ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kanyang kaitiman at kulot na buhok. Isang araw, siya ay pinaalalahanan ng kanyang ina na huwag na lang pansinin ang mga nang-aasar sa kanya para makaiwas sa gulo. Sinubukan nyang huwag lumaban, lalo na kay Ogor na nangunguna sa pang-aapi sa kanya. Ngunit nang siya ay patuloy na naasar at inunahan sa pagsalin ng tubig, hindi nya napigilan ni Impen ang kanyang sarili at dinagukan si Ogor kahit na ito ay matipuno habang siya ay payat na payat lamang. Nagpalitan sila ng dagok pero sa bandang huli, napasuko ni Impen si Ogor at walang nakakibo sa mga agwador. Kinagulat ng mga tao ang nangyari at pinangimian nila si Impen.


Tata SeloEdit

Mabilis na kumalat ang usapan tungkol sa pagpatay ni Tata Selo kay Kabesa, ito'y naging mainit na usapan ng mga tao at karamihan ay hindi makapaniwala na nagawa nya ito. Sya ay kinausap ng presidente habang sya ay nasa likod ng mga rehas, at tinanong kung bakit nya nagawa ito. Palaging sagot ni Tata Selo na tinungkod sya ng Kabesa nang subukan nyang makiusap na huwag syang tanggalin sa pagsasaka. Sabi ng binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque na hindi yun sapat na katwiran; paliwanag nya, hindi sya nauunawaan ng mga tao ang nangyari at nagawa nya. May isang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong kung paano na ang kanyang anak, si Saling, na naninilbihan kanila Kabesa. Ayaw nyang masali ang kanyang anak sa nangyayari dahil ayon sa kanya, may sakit si Saling at mas makabubuti sa kanya ang magpahinga at malayo sa kapahamakan. Matapos ang buong araw ng pagsusuri, habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi ni Tata Selo na lahat ay kinuha na sa kanila, wala nang natira sa kanila.

Sa Lupa ng Sariling BayanEdit

Naulila si Layo mula ng kanyang pagkabata at siya'y inampon ng kanyang amain na si Tata Indo. Kinamuhan nya ito dahil sa kanyang kalupitan at nadala nya ang pagkamuhing iyon hanggang sa kanyang paglaki. Nakapag-aral sya ng abogasya at naging kilalang abogado sa Maynila, naging matagumpay sya at nagkaroon ng maraming pag-aari pati sa ibang lugar. Nilapitan si Layo ng kumpare ni Tiyo Julio para magpatulong sa isang kaso sa manahan at simula nun ay nagkikita na sila. Naging malapit sila Tiyo Julio at Layo sa isa't-isa; sya na lamang ang taga-San Roque na tinuturing na kadugo ni Layo, kasama ang kanyang anak na si Ben. Nang malaman nilang may kanser si Layo, madalas syang dinadalaw nila Tiyo Julio at Ben. Binilin ni Layo sa kanyang asawa na si Ising na sa Maynila nya gustong mailibing, pero sa San Roque (kung saan sya nagmula) sya inilibing nang sya ay pumanaw na.


Mga TauhanEdit

Impeng NegroEdit

Impen - isang lalaking labing-anim na taong gulang, laging kinukutya ng mga tao dahil sa kanyang kaitiman

Ogor - matipuno ang kanyang katawan, laging nangunguna sa pangungutya kay Impen

Inay - nangangaral at nagpapaalala kay Impen na huwag makipag-away

Kano - pitong taong kapatid ni Impen na maputi

Boyet at Diding - mga nakababatang kapatid ni Impen

mga agwador - kasamahan ni Impen sa pag-iigib ng tubig na palaging nangungutya sa kanya

Taba - pagbibilhan ni Impen ng gatas para sa kanyang kapatid


Tata SeloEdit

Tata Selo - matandang magsasaka na pilit pinatigil sa pagsasaka, tumaga sa Kabesa

Kabesa - may-ari ng lupa kung saan nagsasaka si Tata Selo

Presidente - kumausap kay Tata Selo tungkol sa nangyari

Alkalde - nagpatahimik sa mga taong nakikiusyoso sa pangyayari

Hepe - iniluklok ng Kabesa kaya't masama ang kanyang loob kay Tata Selo

Saling - anak ni Tata Selo na naging katulong kanila Kabesa


Sa Lupa ng Sariling BayanEdit

Layo - batang naulila at inampon ng kanyang amain, naging kilalang abugado at matagumpay sa buhay

Tiyo Julio - natatanging kamag-anak ni Layo na naging malapit sa kanya

Ben - anak ni Tiyo Julio na kasama sa pagdalaw kay Layo

Tata Indo - malupit na amaing nag-ampon kay Layo

Ising - asawa ni Layo

mga anak ni Layo - minsan lamang dumalaw sa San Roque


Mga TemaEdit

Impeng NegroEdit

Responsibilidad ng Lalaki

Sa maikling kwento na ito, makikita natin na ang lalaki ay inaasahan ng pamilya. Sila ang kadalasang nagtatrabaho para may makain at mabuhay ang pamilya.

Pagkakaiba ng mga Tao

Nasa kwento na ang pagkakaroon ni Impen ng ibang kulay o pagiging maitim ay naging dahilan ng pangungutya sa kanya ng mga tao dahil sya ay naiiba.

Pagkakaroon ng Lakas ng Loob na Ipagtanggol ang Sarili

Nagawa ni Impen na lumaban kay Ogor kahit na ito ay mas matipuno kaysa sa kanya dala ng matinding pagkaapi at pag-apak sa kanyang katauhan.


Tata SeloEdit

Paninindigan sa mga Nagawang Bagay

Nasira ang reputasyon ni Tata Selo sa kanyang pagpatay kay Kabesa ngunit hindi nya ito itinanggi. Ipinaliwanag nya nang maayos kung bakit nya nagawa ang bagay na iyon.

Pag-aalala sa Pamilya

Inuna ni Tata Selo ang kalagayan ng kanyang anak na si Saling kaysa sarili nyang kalagayan. Hindi nya inuna ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagmamahal dito.


Sa Lupa ng Sariling BayanEdit

Pagtanaw sa Pinanggalingan

Kahit gaano kalayo pa ang iyong marating, sa bandang huli ay babalik at babalik ka rin sa kung saan ka galing dahil dun ka nabuo at parte na yun ng katauhan mo habang buhay.

Kakayahang Magpatawad

Isipin na lamang na kung ano man ang naranasan mong kalupitan ng kahit sino sayo bilang aral na nagpatatag ng iyong katauhan. Ang tao ay walang karapatan na hindi magpatawad ng kahit na sino.

Pag-abot ng Pangarap

Sa kwentong ito, nagsimula si Layo bilang isang ulila. Pagkatapos ng ilang taon, sya ay naging abogado at kinilala ng maraming tao.




Wikia ni Isabel Pabelonia

Around Wikia's network

Random Wiki