FANDOM



Ang AwtorEdit

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Filipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon.

Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.



Buod ng mga KuwentoEdit

Lampin Para Kay BabyEdit

Noong ikaapat na taon nila sa mataas na paaralan, naging magkaklase sila Danny at Nena. Mahiyain si Danny noong una, ngunit naging magkaibigan na rin sila ni Nena pagkatapos siya tulungan ni Danny isang hapon. Mula noon, nahulog na ang puso ni Danny para kay Nena ngunit nilayuan siya ni Nena dahil sa panunukso ng kanilang mga kaklase. Dumating ang graduation ball, may sari-sariling dates ang dalawa, at nawalan na ng lakas ng loob si Danny na umamin kay Nena. Lumipas ang mga taon at hinahanap-hanap pa rin ni Danny si Nena, nang isang hapon ay nakasalubong ni Danny si Nena sa Carriedo, bumibili ng lampin para sa sanggol. Nakapanghihina man ng loob ang inakala ni Danny, ginusto pa rin niyang makita muli si Nena at nangyari ito sa tulong ni Nicanor, ang dati niyang kaklase at kapitbahay ni Nena. Nagkita si Danny at Nena sa isang parti, at umamin na sa wakas si Danny kay Nena. Makalipas ang tatlong araw, nakatanggap si Danny ng liham mula kay Nena kung saan nagpapaliwanag siya na wala siyang sanggol o asawa, at tinatanong kung bakit noon lang umamin si Danny.

Sila, Isang HaponEdit

Dumating ang magkaibigang si Emil at Monica sa isang motel/hotel. Balak nilang magtalik, ngunit nararamdaman ni Monica na parang hindi kaya ni Emil, at paulit-ulit niyang tinatanong ito kung okay lang ba talaga. Habang naghahanda sila para sa nakatakdang gawain, nagkakaroon ng mga flashback sa Monica kung saan nalalarawan kung paano sila magtalik ni Frank, ang kanyang asawa. Napag-usapan din ni Monica ang nararamdaman niya tungkol kay Frank at kung ano ang tumatakbo sa isip niya kapag nagtatalik silang dalawa. Natanong din ni Monica kay Emil kung ganoon din ba sila ni Ching, ang asawa ni Emil. Sa huli ay nagsimula na rin sila Emil at Monica saforeplay, ngunit napakalamig ng kaligiran, at nararamdaman ni Monica na parang mekanikal na lang ang kanilang ginagawa.

Sila, at ang GabiEdit

Dumating ang dalawang magkaibigan sa bahay ni Monica pagkatapos ng matagal na pagtatakbo. Napag-usapan nila ang pagiging bata, ang paglalaki at pagtatanda, at ang kasamang responsibilidad nito. Sa isipan ni Monica, nalarawan ang kanyang pagnanais ng bagong buhay, at baka kasama na doon ang paghihiwalay kay Frank. Nagpakwento rin si Monica kay Emil, at nakwento ng lalaki ang kadiliman sa kanyang nakaraan. May tatlong bata dati na nabaril at napatay ng pulis sa harap ng kanilang bahay, inakala daw ng pulis na mga magnanakaw. Ngunit sabi ni Mang Ramon, ang ama ng tatlong bata, pinatay sila dahil gusto silang paalisin mula sa kanilang lupa. Naibahagi ni Eric kay Monica ang sama ng loob niya sa nangyari, na pinapalala rin ng kanyang asawang si Ching, na walang ginawa kundi magmukmok, at 'di nakikipagtalik kay Eric. Pagkatapos magkwento ang napaiyak nang si Eric, nagtalik ang dalawa bilang posibleng paraan para i-comfort ang isa't isa.

Mga TauhanEdit

Lampin Para Kay BabyEdit

§ Danny de Jesus - Disiotso at isang delayed na estudyante nang makilala niya si at mahulog ang puso niya para kay Nena noong ikaapat na taon nila sa mataas na paraalan. Torpe at mahiyain noong bata, ngunit nagkaroon na rin ng lakas ng loob ng lumaki na siya.

§ 'Nena Maranan -' Tagapangulo at crush ni Danny noong ikaapat na taon nila sa mataas na paaralan. Mabait na babae, ngunit mahiyain kapag tinutukso.

§ Nicanor/Nick - kapitbahay halos ni Nena, at kaklase nila Danny noong hayskul. Mabuting kaibigan at natulungan ang dalawa na magkita muli.

§ Miss Fresco at ang mga kaklase - Nanunukso kayla Danny at Nena noong hayskul.

§ Yoly - Ka-partner ni Danny noong graduation ball nila. Pinsan niya.

§ Erning - Date ni Nena noong grad ball. Pinsan niya.



Sila, Isang HaponEdit

§ Emil - kaibigan ni Monica, na dapat ay makikipagtalik sa kanya, ngunit dahil sa anumang rason, parang hindi niya kaya. Asawa niya si Ching.

§ 'Monica' - kaibigan ni Emil na malalim minsan kung magsalita. May balak sanang makipagtalik kay Emil. Asawa niya si Frank.

§ Ching - Asawa ni Emil.

§ Frank - Asawa ni Monica.

§ Olie - nagmumukhang kabit ni Frank.



Sila, at ang GabiEdit

§ 'Emil' - matalik na kaibigan ni Monica. May kadiliman ang kanyang nakaraan, na matagal na niyang dinadala ang sama ng loob nang tahimik lamang. Para bang nawalan na rin siya ng kakayahan makipagtalik.

§ Monica - matalik na kaibigan ni Emil. Malalim kung mag-isip, at gustong makihati rin sa nararamdaman ni Emil.

§ Ching - Asawa ni Emil. Hindi niya makalimutan ang nangyari sa mga anak ni Mang Ramon. Hindi na siya nakikipagtalik kay Emil.

§ Frank - Asawa ni Monica. Ayon kay Monica, wala siyang galang sa mga nararamdaman niya.

§ mga pulis - bumaril at pumatay sa tatlong anak ni Mang Ramon. Ang suspetsa ni Mang Ramon ay pinatay talaga sila dahil gusto silang paalisin mula sa kanilang lupa.

§ mga anak ni Mang Ramon - napatay sa harap ng bahay nila Emil at Ching. Inakalang mga magnanakaw (daw)



Mga TemaEdit

Lampin Para Kay BabyEdit

§ tadhana at pag-ibig - Pagkatapos ng hayskul, akala ni Danny ‘di na niya muli makikita si Nena, ngunit binigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng tadhana nang magkita sila muli sa Carriedo. Matagal na ang nakalipas, ngunit ganoon pa rin ang nararamdaman ni Danny, at inaantay lamang pala siya ni Nena.

§ maling akala - Kung nawalan na talaga ng lahat ng pag-asa si Danny dahil sa maling akala niyang may anak/asawa na si Nena, baka hindi na nila nalaman ang nararamdaman ng isa’t isa. Ngunit dahil rin sa maling akala na ito, nabigyan ng rason si Danny para makausap si Nena at napaamin din siya.

§ unang pag-ibig - si Nena ang unang pag-ibig ni Danny, at makikita sa kwento kung gaano kalakas ang tama nito kay Danny. Si Nena ang pumansin sa kanya kahit na sobrang tahimik ni Danny sa klase, at makalipas ang ilang taon, ang pagkatao ni Nena pa rin ang hinahanap-hanap ni Danny.



Sila, Isang HaponEdit

§ Pagiging romantiko – naipahiwatig sa kwento na ang pagiging labis na romantiko ay hindi kailangan sa pagtatalik pagkalipas ng mahabang panahon. Parang ito’y konsepto ng mga bata.

§ Pagtatalik bilang isang mekanikal na gawain – nailarawan sa kwento na dahil sa pagiging nakatakda, at kawalan ng passion, at pokus, parang nagiging malamig at mekanikal na lamang ang pagtatalik.

§ Pagtatalik bilang pagiging isang tao at pagkatao – nailarawan ni Nena na kung minsan ay nais niya, habang nakikipagtalik kay Frank, na maging isang buhay, isang tao na lamang sila – katawan, puso, at kaluluwa.



Sila, at ang GabiEdit

§ Kurapsyon sa gobyerno – sa tingin ni Mang Ramon, ang totoong motibo ng pagpatay ng pulis sa kanyang tatlong anak (sa kabila ng “maling akala” nila na mga magnanakaw sila) ay dahil gusto nilang paalisin sila Mang Ramon sa kanilang lupa, dahil inaangkin daw ito ng subdivision owner. Makikita rito ang kawalan ng moralidad ng awtoridad, dahil sa ari-arian at kapangyarihan.

§ Pag-aasawa bilang pagkalaya o pagbibilanggo – nailarawan sa kwento na minsan ay gusto ni Monica magbagong-buhay, kasama na ang paghihiwalay sa asawa niyang si Frank. Ngunit nasabi rin niya na pinakasalan niya si Frank dahil ito ay nagpapadali sa buhay niya.

§ Pagtatalik bilang paglaya – Ang pagtatalik sa maikling kwentong ito ay naging paraan ng dalawang magkaibigan para i-comfort ang isa’t isa, at para bang makalaya sa kanilang mga problema sa buhay. (“At basang-basa ang katawan nila pero sa kaloob-looban ng kanyang sarili, may lumilinis at lumalaya at nagpapalaya…”



Wikia ni Karen Ybanez

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.