FANDOM


Talambuhay ni Lamberto CabualEdit

GURO at brodkaster sa Pilipinas si Lamberto (Bert) B. Cabual, bago nangibayong-dagat. Awtor siya ng “Pangingibang-Lupa,” isang aklat na katipunan ng mga tula na inilathala sa London ng CFMW (Commission for Filipino Migrant Workers).


Naging Pangalawang-Pangulo siya ng UMPUK (Ugnayan ng mga Manunulat na Pilipino sa United Kingdom). Sa ngayo’y isa siyang retiradong Postal Officer ng Royal Mail sa London. Sangkot sa mga gawaing pangwika, binigyang-buhay niya sa London ang Balagtasan. Gumaganap siyang Lakandiwa, at marami na ring Balagtasan ang itinanghal sa London na kanyang sinulat at pinangasiwaan. Pinalaganap din niya rito ang paghahandog ng tulang parangal sa mutya ng mga timpalak-kagandahan sa mga gabi ng pagpuputong. Tanyag na mambibigkas at makata, inaatasan siyang sumuob ng maindayog na tula sa nagsisipagwaging Binibining Pilipinas UK. Si L. B. Cabual ay tubong Pallocan Kanluran, Lungsod ng Batangas, sa Pilipinas.

BUODEdit

Mayo at DisyembreEdit

Tungkol ito sa isang estudyanteng may pagnanasa sa kaniyang guro. Si Leo ay mag -aapatnapung taong gulang na samantalang si Bheng ay labing-anim na taong gulang pa lamang. Nakiusap ang guro na supilin ng dalaga ang kanyang nararamdaman ngunit ipinilit ng dalaga na mahal siya nito. Mahal rin ng guro ang kanyang estudyante. Bago sila maghiwalay ay muling naghinang ang kanilang mga labi ng biglang dumating si Helen, ang asawa ni Leo. Nagalit ito at sinabing magtutuos sila ng kanyang asawa paguwi sa bahay. Napaupong nanlulumo si Leo, samantalang si Bheng ay umiyak nang umiyak sa dibdib ng itinatanging guro.

Sa kanilang mga puso’y gustung-gustong pagtagpuin nina Leo at Bheng ang kanilang magkaibang panahon.

Isang Libo't Isang HalikEdit

Hindi lilipas ang isang araw na hindi kinagagalitan si Dupong ng kanyang asawang si Takya. Kung nakikita na ni Dupong na galit na si Takya, iniisip ni Dupong na hagkan ito… hagkan nang hagkan… bigyan ng isanlibo’t isang halik! Sa ganito’y baka mapahuhupa ang galit at mapagbabago ang ugali nito. Nguni’t wala siyang lakas ng loob, sa pangambang ang asawa ay lalo pang magalit. Sa tuwing kausap ni Dupong ang kaniyang mga kanayon ay binabaligtad niya ang mga pangyayari upang ibinabangon ang kanyang pagkalalaki. Minsan ay nagtungo si Dupong sa bahay ng kanyang kumpareng Kulas upang huminging payo. Narinig ni Anding ang paguusap ng dalawa at dali-dali itong pumunta kay Takya upang payuhan din ito. Naging maganda ang gabing iyon para sa magasawa at simula noon, dahil sa isanlibo’t isang halik ay nagpatuloy pa ang mabuting pagsasamahan ng magkabiyak.

May Lihim ang Bahay-BahayanEdit

Si peter na isang architect at civil engineer ang naatasang gumuhit ng plano ng isang mansyong pinagagawa ng isang maykaya. Nagpanggap siyang isang manggagawa sa kagustuhan niyang maging maayos ang lahat. Sa kanyang pagtulong sa paggawa ng mansiyon ay naranasan niyang masigawan at mapagmataasan ng mga taong nag-aakalang mas mataas sila kaysa sa kanya ngunit tiniis lamang niya ang lahat ng ito. Habang nagtatrabaho ay nanariwa sa kanyang alaala ang pagiibigan nila ng kanyang dating kalaro na naging kasintahan na si Melinda. Naalala niya na minsan ay nagpaalam sa kaniya ang kasintahan na pupunta sa London upang doon magtrabaho. Sa limang taong pamamalagi niya sa UK ay lagi silang naguusap at nagbabalitaan ngunit makalipas ang ilang buwan ay nawalan na sila ng koneksyon sa isa’t isa. Nalaman na lamang ni Peter mula kay Tito Bert na si Melinda ay isa ng Private Nurse ng isang bilyonaryong British at malapit raw sila sa isa’t isa. Makalipas ang ilang buwan ay natapos na din nila ang mansiyon at kinausap sila ng kinatawan ng may-ari at sinabing darating ang may-ari sa araw na iyon upang makita at makilala sila. Dumating ang may-ari at laking gulat ni Peter ng malamang si Melinda ang nasa kotse kasama ang may-edad na British. Sa isip ni Peter ay doon sa lalaking iyon siya pinagpalit ni Melinda. Sa mga oras na iyon ay nagpakilala si Melinda at ipinagtapat ang lahat. Pagkatapos noon ay nagusap ang dalawa at sinabi ni Melinda na ipagpapatuloy na nila ang dati nilang bahay-bahayan sa mansiyong iyon.

Ang Dasalan ni BelenEdit

Tinulungan ng tagapagsalaysay ang babaeng nalaglagan ng wallet, si Belen. Bilang pasasalamat ay bibigyan dapat ng pera ni Belen ang tagapagsalaysay ngunit agad naman itong tumanggi kung kaya't pinaanyayahan na lamang na kumain kasabay niya upang makilala na rin niya ito ng lubusan. Bago maghiwalay ay binigyan ni Belen ng isang dasalan ang tagapagsalaysay at pinapangako ito na laging gagamitin. Pagdating sa bahay ay agad na binuklat at binasa ng tagapagsalaysay ang dasalan at ito ay umantig sa kanya ngunit may mga tanong na nabuo sa kanya tungkol sa pangungumpisal na hindi maipaliwanag ng dasalan kung kaya't sumangguni siya sa ama na isang napakarelihiyosong tao at napaliwanag naman ng ama ngunit iniwan sa kanya ang mga salitang "Ipauunawa sa iyo ng Panginoon sa takdang panahon ang mga banal na kaisipang hindi mo pa gaanong maunawaan ngayon." Araw ng Sabado, may kung anumang elemento ang nagtulak sa kanya upang magsimba at doon ay nakita niya rin si Belen na nagsisimba. Kinagabihan ay dinalaw niya si Belen sa kanilang bahay at doon nagtapat ng kanyang nararamdaman para sa dalaga ngunit agad naman itong tinanggihan ng dalaga sa pagtatapat na siya ay magmamadre. Kapwa malungkot ang dalawa dahil mahal nila ang isa't isa ngunit hindi ito angkop at doon naisip ng tagapagsalaysay ang mga salitang iniwan sa kanya ng ama.


Mga TauhanEdit

Mayo at DisyembreEdit

Bheng

Maganda at matalinong estudyanteng may pagnanasa sa kaniyang gurong si Leo.

Leo

Mag-aapatnapung taong gulang na guro sa isang mataas na paaralan.

Helen

Ang asawa ni Leo na isang tagapagbalita sa radyo sa lokal na himpilan sa Lungsod ng Batangas. Magandang babae, matangkad, at may magandang hubog ng katawan.


Isang Libo't Isang HalikEdit

Dupong

Isang mabait, makisig at mahusay na karpintero.

Takya

Magandang tindera ng mga damit na asawa ni Dupong.

Kulas

Kumpare ni Dupong.

Anding

Maybahay ni Kulas.


May Lihim ang Bahay-BahayanEdit

Melinda Bituin

Kasintahan ni Peter na isang private nurse ng bilyonaryong British sa London.

Peter Katindig

Isang architect at civil engineer na nagplano at tumulong sa paglikha ng mansiyon.

Tito Bert

Nangingibang bansa na nagbalik bayan na nakakita kay Melinda.

Foreman

Kinatawan ni Melinda.

Ang Dasalan ni BelenEdit

  • Tagapagsalaysay - hindi nabanggit sa kwento ang kanyang pangalan. Ang tumulong at kinalaunan ay nagkagusto kay Belen.
  • Belen Ledesma - isang magandang babae na nagustuhan ng tagapagsalaysay at gayun din siya dito ngunit may nais na magmadre.
  • Daddy - ang ama ng tagapagsalaysay na nagsisilbi bilang lay minister sa Parokya ng Santisima Trinidad, isang simbahan na hindi kalayuan sa kanilang bahay. Relihiyoso, nagba-Bible Study at sumasama sa mga Ispiritwal na mga pagpupulong ng simbahan.==


Mga Paksa at TemaEdit

Mayo at DisyembreEdit

  • ===Makikita natin sa maikling kwento ang pagkakaroon ng relasyong Mayo Disyembre kung saan ang edad ng magkapareha ay malayo ang agwat sa isa’t isa.===
  • Pinatunayan din ng kwento ang kasabihang “age doesn’t matter”.
  • Mayroon ding third party na naganap sapagkat pinatulan ni Leo si Bheng kahit na may asawa na ito.
  • Isa ring halimbawa ng teacher-student relationship ang kwentong ito sapagkat nagkaroon ng relasyon si Leo na isang guro at si Bheng na estudyante niya.
  • Ipinakita rin ang kosepto ng pagiging baog dahil binanggit sa kwento na hindi maaaring magkaanak sina Leo at Helen dahil may problema sa matris si Helen.
  • Isa rin sa mga nailarawan ang fixed marriage na isinagawa ng mga magulang nina Leo at Helen.==


Isang Libo't Isang HalikEdit

  • Ipinakita ng kwentong ito ang pagiging under at macho-nurin ng lalaki sa kanilang asawa.
  • Inilarawan din sa kwento ang katapangan ng mga kababaihan(feminism).
  • Nasa kwento rin ang pagbabaligtad ng kwento upang protektahan ang iyong pagkalalaki.
  • Obligasyon sa asawa ang pagpapasaya rito at maging ang pagtugon sa sekswal na pangangailangan nito.
  • Ipinakita rin na ang pagtatalik ay makapagtitibay ng relasyon ng isang mag-asawa.==


May Lihim ang Bahay-Bahayan Edit

  • Ipinakita sa kwentong ito ang pagiging tapat ng isang kasintahan sa kaniyang kasintahan.
  • Nasa kwento rin ang konsepto ng social discrimination dahil sa paninigaw at pagmamaliit sa kakayahan ng mga manggagawang nasa mababantang antas ng lipunan.
  • Inilarawan dito ang tunay na pagiibigan.==

Ang Dasalan ni HelenEdit

  • 'Love at first sight' - mapapansin natin ito sa tagapagsalaysay nung naliwanagan na ang isip niya at nakita si Belen at tinamaan siya.


  • Ang pagiging madre o pari - alam naman natin na hindi dapat magkaroon ng asawa't anak ang mga madre at pari dahil iniaalay na nila ang kanilang serbisyo sa Diyos lamang. Makikita natin sa kwento na isinantabi ni Belen ang nararamdaman para sa tagapagsalaysay kahit mahirap dahil na rin sa kanyang kagustuhan na magmadre.
  • Ang relasyon ng ama sa anak - hindi masyado kapansin-pansin ngunit gusto kong bigyang pansin ito dahil sa aking palagay, hindi man tuwiran na inilahad ay parang makikita natin dito yung 'bonding' ng ama at ng anak na lalaki pati na rin yung mga bagay na hindi natin alam ay maaring maipalawanag ng ating mga magulang kung kaya't dapat tayo'y nagtatanong upang maliwanagan o mapangaralan tayo.




Wikia ni Jana Dale Pascual

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.