FANDOM


TalambuhayEdit

Si Lamberto “Bert” B. Cabual ay pumunta sa London at umalis ng Pilipinas kung saan siya nagtrabaho bilang isang guro at radio announcer – napilitang umalis dahil sa kalagayan ng ekonomiya. Ngunit lagi niyang dala ang malalim na pagmamahal sa kanyang katutubong lupain at matinding simpatya sa paghihirap na dinaranas nito. Ginamit niya ang emosyong ito upang sabihin ang kwento ng mga maggagawang Pilipino sa ibang bansa sa pamamagitan ng kanyang mga tula. Sa kanyang libro, “Pangingibang-lupa,” isinabuhay niya, gamit ang kanyang katutubong wika, ang kalungkutan at pangungulila, ang hirap at sakit, ang takot at pag-aalala ng mga manggagawang Pilipino layo sa kanilang mga pamilya. Ito ang unang aklat ng mga tula na gawa ng isang Pilipino sa Britanya. Habang si Bert ay nagtatrabaho sa isa sa mga malalaking ospital sa London at hindi nagtagal ay sa Royal Mail naman, nalaman niya ang lahat ng paghihirap na dinaranas ng mga Pilipino sa kanilang pang-araw-araw na trabaho, dahil na rin sa kakaibang kapaligiran, habang patuloy nilang sinasanay ang sarili sa bagong kultura at paraan ng pag-isip.


Mga BuodEdit

Mang EstongEdit

Si Mang Estong, magpipitumpung taong gulang na manunulat, ay isang miyembro ng KAPILING o Kamanunulat na Pilipino sa Inglater na mula pagkabata ay mahusay na siyang magsulat at magbigkas pero ngayon, ayon kay Jennifer, editor ng Pinoy’s Courier at isa ring miyembro ng KAPILING, malat na ang tinig ni Mang Estong dahil sa sobrang pag-inom ng alak at may lumalaganap ring balita na pilyo siya sa tsiks at ang mga nabibiktima niya ay pawing mga bata. Nag-aalala ang narrator at ang asawa niya kay Jenny dahil napansin nilang nagkakamabutihan na si Jenny at Mang Estong lalo na noong kukamain sila sa isang restoran at nakatagong nagmamasid ang mag-asawa. Makalipas ang isang buwan, dumating na ang araw ng pagpupulong ng KAPILING at balak na sana ng narrator na kausapin si Mang Estong ukol sa relasyon nila ni Jenny ngunit hindi sila dumating na tunay namang ikinatakot ng narrator. Ibinalita ito ng narrator sa kanyang asawa at nagpasiya silang puntahan si Mang Estong sa kanyang tahanan ngunit sabi ng kapitbahay niya ay isinugod raw ang matanda sa ospital at laking gulat ng mag-asawa nang makita nilang naroon sa ospital si Jenny sa labas ng ICU (Intensive Care Unit), umiiyak nang malamang may kanser sa atay si Mang Estong at may taning na ang kanyang buhay. Laki sa Lola si Jenny at hiwalay ang kanyang mga magulang. Ang nanay niya’y nakahanap ng iba ngunit namatay sa isang motor accident at ang tatay naman niya’y naglayas at nagpakalayu-layo. Namatay sa ospital si Mang Estong na labis namang idinamdam ni Jenny at muling nagtaka si narrator sa pagmamalasakit ni Jenny. Sa huli ay inamin na rin ni Jenny na si Mang Estong ay ang kanyang tatay na iniwan siya sa kanyang Lola.


Mayo at DisyembreEdit

Humanga si Leo sa galing ng pagkakasulat ng kanyang estudyanteng si Bheng sa essay tungkol sa pag-ibig at inamin naman ng kanyang estudyante na siya ang kaniyang naging inspirasyon. Patuloy ang kanilang pag-uusap ukol sa paksang ito hanggang sa Plaza Mabini kung saan inamin ni Bheng ang nararamdaman niya para kay Leo na ikinagulat at ikinagalit naman ng kanyang gurong may asawa ngunit walang anak sa loob ng dalawampung taong pagsasama nila. Malaki ang agwat ng edad nila, si Bheng ay labing-anim na taon habang si Leo ay mag-aapatnapung taon na. Kumbaga sa isang taon, si Bheng ay buwan pa lamang ng Mayo, buwan ng pagsibol ng bulaklak at si Leo ay Disyembre, naranasan na ang init at lamig, dilim at liwanag. Dahil sa bugso ng damdamin, hindi napigilan ni Bheng na halikan ang kanyang guro at ibinalik rin naman ni Leo ang halik ng kanyang mag-aaral. Sa kabila ng pag-ayaw at pagbawal ng guro sa pilit ni Bheng, umamin na rin siya sa totoong nararamdaman niya para sa kanyang mag-aaral. Ipinagpatuloy nila ang kanilang pagtatago sa upuan sa tabi ng punong-akasya, kubli sa mga tao ngunit hindi rin sila nakatakas sananlilisik na mga mata ni Helen, ang asawa ni Leo. Hindi na niya hinintay na magpaliwanag si Leo at dali-daling sumakay sa kotse at pinaharurot ito.


Mga Lihim Ang Bahay-BahayanEdit

Si Peter Katindig o Pedro, isang arkitekto at inhinyero, ang nagplano at gumuhit ng ginagawang mansiyon pero hindi niya kilala kung sino ang may-ari nito at tanging ang kinatawan ng may-ari ang namamahala ng pagtayo ng gusaling ito. Nagpanggap si Peter bilang isang trabahador kung saan nakilala siya bilang Pedro at sa tuwing may oras siya para magpahinga ay dumadaan sa kanyang isip ang kasintahang si Melinda, isang nars na nagtrabaho sa London bilang isangprivate nurse sa isang British family ngunit nawalan sila ng komunikasyon makalipas lamang ang ilang buwan nang pagtatrabaho ng kanyang nobya doon. Mula pagkabata ay naglalaro na sila ng bahay-bahayan at pinangarap nilang magkaroon ng mansiyon. Matapos ang pagtayo ng mansiyon ay dumating na ang may-ari sakay ng bagung-bagong Mercedes Benz . Laking gulat ni Pedro nang makita niyang bumaba ng kotse si Melinda kasama ang may edad nang British at si Melinda ay pinakilala sa lahat. Siya naman ay nagpasalamat sa bawat taong nagpagod para magawa ang pangarap niyang mansiyon at ibinunyag niya na kanyang kahati sa mansiyong ito si Peter Katindig na nagpanggap bilang isang trabahador. Nagtaka ang lahat kung sino ang kanyang tinutukoy at bigla nitong nilapitan si Pedro at sinama sa gitna at nagpatuloy sa pagsasalita kung saan inamin rin niyang matagal na niyang alam na si Pedro ang arkitekto at inhinyero na responsable sa pagpapatayo ng mansiyon kaya niya tinigil ang komunikasyon kay Pedro at sinorpresa siya sa gabing iyon. Kinabig at hinagkan ni Pedro si Melinda at nagpalakpakan ang lahat.


Mga TauhanEdit

Mang EstongEdit

Jennifer o Jenny

Si Jenny ay ang editor ng Pinoy’s Courier, miyembro ng KAPILING, at anak ni Mang Estong.

Narrator at asawa ng narrator

Ang mag-asawa ay matatalik na kaibigan ni Jenny na labis ang pag-aalala sa kanya.

Mang Estong

Si Mang Estong ay isang miyembro ng KAPILING at ang tatay ni Jenny.


Mayo at DisyembreEdit

Bheng

Si Bheng ay isang matalino at magandang estudyante na may nararamdaman para sa kanyang gurong si Leo.

Leonardo o Leo

Si Leo ay isang gurong may lihim na nararamdaman para kay Bheng.

Helen

Si Helen ang asawa ni Leo.


Mga Lihim Ang Bahay-BahayanEdit

Peter Katindig o Pedro

Si Pedro ay isang arkitekto at inhinyerong kasintahan ni Melinda na nagpanggap bilang isang manggagawa sa upang tutukan ang mansiyong kanyang iginuhit at pinlano.

Melinda Bituin

Si Melinda ang kasintahan ni Pedro na isang private nurse sa isang pamilya sa London.


Mga Paksa at TemaEdit

Mang EstongEdit

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib

Ito ay mas kilala sa salawikaing “Don’t judge a book by its cover”. Agad na hinusgahan ng mag-asawa ang relasyon na namamagitan kina Jenny at Mang Estong ngunit sa huli ay kanilang nalaman na tatay pala ni Jenny si Mang Estong kung kaya’t ganoon na lamang ang kanyang pagdaramdam sa pagkamatay ni Mang Estong.


Mayo at DisyembreEdit

Adultery

Makikita na may salang adultery si Leo dahil pinatulan niya si Bheng, ang kanyang estudyante. Kahit na mag-aaral pa lang si Bheng at malaki ang agwat ng kanilang edad ni Leo, hindi masasabing nasasaklaw dito ang child abuse sapagkat ginusto rin ito ni Bheng.


Mga Lihim Ang Bahay-BahayanEdit

Katapatan at Pangarap

Mula pa noon ay pinangarap na nilang makapagpatayo ng mansiyon at natupad ito kahit hindi man namalayan ni Pedro na ang kanyang ginagawa ay ang matagal na nilang pinapangarap. Makikita ang katapatan ni Melinda kay Pedro kahit pa sa London siya nagtrabaho at itinigil ang komunikasyon sa kanyang nobyo.

OFW

Karamihan sa mga Pinoy ay nangingibang-bansa dahil, totoo naman, na mas may oportunidad at mas malaki ang sweldo sa labas ng bansa. Ito na rin ang tumulong kay Melinda upang makapagpatayo ng mansiyon kugn saan niya makakasama ang kanyang nobyong si Pedro.




Wikia ni Marielle Anne Rosacay

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.