FANDOM


Biography ni Juan EkisEdit

Si Juan Ekis ay nagsusulat ng mga tula at maiikling kuwento habang nasa kama. Mahilig siya sa cookies at inihaw na liempo. Hindi rin siya kumakain ng isda.

Ilan sa mga paborito niyang mga movies ay Fight Club, Inception, Little Manhattan, Dark Knight, at Memento. Nakikinig siya sa Wolfgang, Eraserheads, at Black Sabbath.

Si Ginoong Ekis ay kasalukuyang nasa San Pedro, Laguna.


Mga BuodEdit

20 QuestionsEdit

Nagsimula at natapos ang kwento sa loob ng isang kwarto ng isang beach resort. May tradisyon ang barkada nila Jigs at Yumi na minsan sa isang taon, isang babae at isang lalaki ang 'bubunutin' para magsama sa loob ng isang kwarto sa loob ng tatlong araw, bawala lumabas maliban kapag kakain. Gawa ng pagkabagot, naisipan ni Jigs na maglaro sila ng 20 questions; palit-palitan silang magtatanong ng kahit na ano sa isa't-isa, bawal umulit ng tanong, bawala magsinungaling. Nakilala nila ang ang kalaro dahil sa 20 questions. Lumalim ang samahan, higit pa sa pagkakaibigan.

Namatay ang ilaw sa dulo, nagdilim kumbaga. May nangyari kaya?


SakuraEdit

Nagdridrive si Kathy habang umiinom ng beer si Nicky sa passenger seat. Tinanong ni Nicky ang tungkol sa lakad ni Kathy bago sila magkita, kung anong oras umalis, saan galing, at kung sino ang kasama. Marami-rami silang napag-usapan ni Kathy. Nabanggit ang dating boyfriend ni Kathy na si Jess. Habang nasa loob ng kotse, binigyan ni Nicky si Kathy ng inaakala niyang Sakura (o cherry blossom) leaves. Natawa si Kathy at sinabing Japanese Maple ang mga yon. Nagpasalamat si Kathy.

Doon ka na magsisimulang kiligin at maasar. Torpe, peste.


VirtualEdit

Bagong tuto pa lamang si Michael sa mundo ng internet at chatting. Nakilala niya si 'Celine' gamit ang isanginternet relay chat client. Nagkamabutihan silang dalawa, hangang sa umabot sila sa roleplaying. Nahihibang nang unti-unti si Michael kay Celine nang biglang nawala si Celine sa mundo ng chat. Isang linggo ang hinintay ni Michael bago bumalik si Celine. Mas uminit ang mga pag-uusap nila ni Celine ng biglang isang araw, nalaman niya ang totoong pagkatao ng kachat.


Mga TauhanEdit

20 QuestionsEdit

Si Yumi ay isang liberal na babae. Hindi na bago sa kanya ang sex at iba't-ibang aspeto nito. Sa pagkarami-rami ng nakarelasyon niya, humahanap na siya ngayon ng lalaking ituturing siyang higit pa sa pagpapahalaga niya sa kanyang sarili.

Si Jigs ay relatively bago pa lamang sa barkada nila Yumi. Pinagkakamalan siyang bading dahil sobrang konserbatibo kumilos at sa sobrang paggalang sa babae. Kakabreak pa lamang ni Jigs sa kanyang girlfriend.


SakuraEdit

Si Kathy ay maituturing na bestfriend ni Nicky. Matagal na silang magkakilala ni Nicky, palagi silang magkasama, at madalas ay napagkakamalan pa silang magnobyo.

Si Nicky ang bestfriend ni Kathy. Obvious na obvious naman na merong mas malalim na pagtingin si Nicky kay Kathy na higit pa sa isang kaibigan. Sinabi ko na nga noong una, nuknukan ng torpe si Nicky.


VirtualEdit

Si Michael ay isang batang lalaki na katututo pa lamang gumamit ng isang internet relay chat client. Nabaliw si Michael kay Celine, isang chatmate na kahit hindi niya nakikita sa totoong buhay, ay tinamaan siya ng magaling.

Si Celine ay isang lalaki sa tunay na buhay. Nag-aaral sa kaparehong eskwelahan, pinagtripan ni 'Celine' si Michael sa chat gawa ng siya ay baguhan pa lamang dito.


Mga TemaEdit

20 QuestionsEdit

Barkada: Ipinakita sa maikling kuwento kung gaano kalakas ang impluwensya ng barkada sa pagbuo ng mga karanasan ng isang tao. Hindi maikakaila na ang barkada at mga kaibigan ay mga puwersa na maaring makatulong o makasama sa buhay ng isang tao.

Tradisyon: Kasama sa kultura ng kahit na anong lahi ang tradisyon. Sa kuwentong 20 Questions, ipinakita na pati na rin mga magkakaibigan ay mayroon ding mga tradisyon. Isa itong paraan upang mas lumalim ang pagsasamahan sa isang grupo.

Aborsyon: Ilegal ang aborsyon sa Pilipinas pero alam ng lahat na may mga gumagawa pa rin nito. Ilan sa mga dahilan ng pag-aabort ay ang hindi inaasahang pagbubuntis, kawalan ng pera para sa kinabukasan ng sanggol o kahirapan, at kahihiyan ng pamilya at mga magulang.

Virginity: Sinuri ng kuwento ang kahalagahan ng virginity sa iba't-ibang tao. Iba-iba ang tingin na bawat isa pagdating sa virginity, ngunit hindi maikakaila na ang mga Pilipino ay pinapahalagahan parin ito.


SakuraEdit

Pagkakaibigan: Sa simula ng kahit na anong relasyon, mayroon na kaagad bakas ng pagkakaibigan. Hindi maitatanggi na sina Kathy at Nicky ay malayo na ang pinagsamahan. Ang tanong na lamang ngayon ay kung handa silang isugal ito para sa pag-ibig, kung mayroon man. Kahit habang nagdridrive at umiinom ng beer, makikita ang bakas ng malalim na pagtingin sa isa't-isa.

Katahimikan: Hindi kailangan sa lahat ng panahon, mayroon kang sinasabi. Sa pamamagitan ng hindi pagkibo, maraming mensahe ang maaari mong maipabatid.

Pag-ibig: Si Nicky, iniibig si Kathy. Obvious naman, 'di ba? Ang tanong ay kung ganoon din si Kathy para kay Nicky.


VirtualEdit

Internet at chatting: Sinuri ng maikling kuwento ang mga kalakasan at kahinaan ng relatively ay bagong teknolohiyang tinatawag na Internet. Sa unang tingin, pinapabilis nito ang mga sosyokultural na aspeto ng ating buhay, ngunit may mga nagbabadyang panganib din sa paggamit nito, gaya ng anonynimity at pagwalang-bahala sa koneteksto ng realidad pagdating sa pakikitungo sa pamamagitan ng chatting.

Pagiging inosente: Isang inosente si Michael sa aspeto ng Internet/chatting at pati na rin sa sekswalidad sa konteksto ng Internet. Nilinlang siya ni "Celine" sa pamamagitan ng chat, pinalabas na siya ay isang tunay na babae na may makamundong pagnanasa. Ang tatangatangang si Michael naman, sinakyan ang trips ni "Celine."

Sekswalidad: Inabuso ang konteksto ng sekswalidad sa pamamagitan ng karakter ni Celine. Mabuti nga sana kung ginawa niya iyon dahil sa tulak ng laman, pero hindi. Trips-trips lang, na para bang walang isa pang taong nag-iinvest ng panahon at kahit kakaunting emosyon sa ginagawa niya.





Wikia ni Miguel Nathan Tolibas

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.